Ngayong araw ako'y nalulungkot ako sa mga nangyari sa akin. Dahil ako'y naging masyadong abala sa aking trabaho, nakapunta lang ako para ipasuri ang problema matapos akong makapananghalian. Hindi na nga ako masyadong nakakain dahil gusto ko nang malaman kung malulunasan pa ang mga simtomas na lumalabas. Pagkain ng chili con small hotdog, dali-dali akong lumabas ng opisina at tuloy-tuloy sa aking kotse. Kinabahan ako ng sumakay ako sa ito-- madalas itong nangyayari--sapagka't ako'y nag-aalala baka hindi umandar, lalo na't napakainit sa labas. Sa awa ng Diyos, isang pihit ko lang ng susi at umarangkada na ang aking Accord.
Ewan ko ba kung bakit pa ako nagmamadali ay napakaraming mga istorbo sa daan--mga ciudad empleyado na nagkukumpuni ng mga lubak-lubak sa daan, mga kotse na akala mo'y may patay at mga maraming mga pulang ilaw sa kanto. Nakadagdag pa aking inis ng ako ay maligaw dahil sa direksiyon na ibinigay ng aking naka-usap sa telepono. Imbis, ako ay napunta sa building na tabi ng tindahan ng karne, yun pala ang gusali na aking hinahanap ay malapit sa gasolinahan. Ay naku! Kung kelan pa ako nagmamadali. Mabuti at ako'y nakakita ng espasyo na pagparada kaagad. Sinusuerta pa ako--sa isip ko.
Nguni't pagpasok ko sa pinto nila wala akong nakausap kaagad kasi ang mama sa counter ay nasa telepono. Iminuestro na lamang sa akin na pumunta ako sa susunod na lamesa na di kalayuan. Matapos na siya at lumapit sa akin at tinanong ako: "Ano ba ang problema?" Sinunod ko siya at binuksan ko na at ipikita ko sa kanya. Sabi niya marami na siyang nakitang mga ganitong problema. Hindi lang ako. Mabuti pa raw na palitan na lang kesa sa buksan pa. Magagastusan pa ako ng malaki. Sabi ko sa sarili ko: Mabuti pa nga yata kasi malaki na ang simtomas. Naghihingalo na ito. Hindi magtatagal pa at ganoon rin ang resulta. Lalo akong sobrang namighati at muntik nang maiyak. Gusto ko na sanang umalis na lang sa aking pagkatalo. Umalis akong malungkot dahil wala na akong magagawa pa. Siyanga pala--ako ay palabas ng Laptop Plus.
Monday, October 8, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
grabe naman ang post mo pare!!! lol Cheer up Diko, I know how much you love your laptop, but you must let it go and face the fact that it's a hopeless battle! bwahahaha!
belle: tama ka diyan--kasi naman napakamahal nang nabili namin kasi kahit anong angulo ang ganda-ganda ng video kaya namin napili. marami na aming pinagsamahan, ika nga. ang motherboard ay nagkakahalaga ng $400 na so suko na ako. pero, di ko muna papalitan, malay mo baka maging collectible gaya ng teleponong di-ikot. nagagamit na naman.
Post a Comment