Sunday, November 30, 2008

THIS RING HAS MANY MEANINGS


The following article was posted last November 25 at the Notre Dame yahoogroup by yours truly. I'm posting it here in the hope that you take notice of what Thanksgiving Day really means. We may not know it, but, there's so many things we should be thankful for, although ours lives can be very trying at times. And these persons are some that I'm grateful to have known.

TO MA'AM WITH LOVE (AT PASASALAMAT)

Sa darating na Araw ng Pagpapasalamat (dito sa America), ako ay nagpupugay at nagbibigay pahalaga sa ating mga NAGING mga guro sa high school at sa elementarya. Sila na mga nilalang na walang ginawa kung hindi ang tayo ay maturuan ng "leksiyon" sa ating pagkakatuloy sa Notre Dame. Leksiyon, mga quizzes, mga homeworks at marami pang mga surprise o maikling quiz. Kasama na rin ang pagsulat ng tamang bokabularyo at tamang pagbigkas at tamang pag-martsa! Mga guro na walang ninais na tayo ay mapabuti sa tunay na daigdig. Daigdig ng mga duktor, abugado, aktor, mang-aawit o manganganta, politiko at kawani ng gobyerno, kawani sa pribadong sektor at higit sa lahat sa daigdig ng mga mamamayan na may respeto, kagandahan at may pagpapahalaga sa tamang pamumuhay ayon sa batas ng tao at ayon sa gusto ng ating Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo--at sa ating Inang Maria.

Lahat, maliban sa iba, ng mga gurong ito ay ninais na tayo ay magtagumpay. At ngayon na karamihan sa atin ay nagtatamasa ng kastas ng pawis na ating napag-alaman noon sa paaralan, hindi ba dapat lamang na pasalamatan si Sir at Madam at si Sister kaya? Nguni't, dadapwa't, subalit, ako ay humihingi ng patawad sa ating mga ginawang hindi kanais-nais dala na siguro ng ating pagiging mga wala pang mga alam.

Gaya nang pagpuna ng paglalakad sa isa sa mga titser, ang pagsagot ng pabalang sa isa at sa marami, sigurado ako, nating pagsuway sa tamang asal. Grabe pa, aking inaamin ngayon, ang pagpapa-iyak sa isa nating guro-madre! Gayun pa man, hindi sila natinag na magturo ng tama, na isipin lamamg ang ating kapakanan at sa huli ay maging mga nakatapos sa mataas na paaralan. Sa mga gurong ito, ang ating tagumpay ay tagumpay ng mga magulang natin at tagumpay na rin nilang mga pangalawang mga magulang-guro. 

Sa darating  na Nobyembre bent-siyete 2008, ako'y nagpapasalamat, ng trenta-sais na beses, sa ating mga guro--kasama na rin si Prof, si Dean, si Coach at mga mabubuting mga kamag-aral. Na lahat ay nagbigayay ng kulay, saya at kabuluhan (at hirap na rin) sa ating buhay. Isama ko na si Daddy at Mommy--Inay at Itay, Papa at Mama o si Father at Sister-- dahil sa kanilang walang sawang suporta at pagtustos sa aking mahabang pag-aaral.

Mabuhay kayong lahat! Mabuhay tayong lahat! Mabuhay ang Pinoy! Salamat sa buhay! Salamat sa Buhay Pinoy! At pasasalamat, kahit papaano, kay Gatpuno Andres Bonifacio na ngayon ay araw ng kanyang kaarawan.